Ang Tungkol sa Akin: Serbisyong Totoo at Mula sa Puso
"Isang lingkod-bayan na may tunay na malasakit at wagas na pagmamahal sa bawat kabarangay. Naniniwala ako sa serbisyong may respeto at pagpapahalaga sa dignidad ng bawat tao. Ako ay tumatayo bilang isang totoong tao—prangka, tapat, at walang halong pamumulitika."
Ang aking mithiin ay isang lipunan kung saan ang lahat ay pantay-pantay, at ang kapakanan ng nakararami ay laging nauuna bago ang pansariling intensyon. Serbisyong totoo, makatao, at mula sa puso. Dahil higit sa lahat, Padaba Ko Kamo.
Ang tunay na kapangyarihan ay nasa paglilingkod nang may kababaang-loob. Ako ay narito hindi para mamulitika, kundi para maging tinig ng bawat kabarangay. Bitbit ko ang tapat na puso na may respeto sa matatanda at pag-asa para sa kabataan. Sa aking pamumuno, walang maiiwan dahil ang gusto ko ay pantay-pantay na oportunidad para sa lahat.
Serbisyong totoo na hindi naghihintay ng kapalit, dahil ang inyong kapakanan ang aking tanging inspirasyon. Padaba Ko Kamo — ngayon, bukas, at magpakailanman.
Padaba ko kamo! ❤️
0 Comments
💬 MAG-IWAN NG MENSAHE: Ang inyong mga katanungan at feedback ay mahalaga sa ating komunidad. Huwag mag-atubiling mag-comment para sa mas marami pa tayong matutunan! #PADABAKOKAMO